Post info
Labels: bisexual Stories, Filipino Gay Story, gay erotic stories, gay sex story, Gay Stories, Hot Stories, story
Comments 0
Author: Mr. Lust
“nasaan ang tatay
mo..??”
“kasama po ni jun jun sa balkonahe… inay… malamang nag
kwekwentuhan na naman ung dlawa na un…?”
“ang tatay mo tlaga oh….”
- - - - - -- - - - -- -- -- - - - -- - - - - - - - -- - - -
- - - - - --- -- --
isang malakas na suntok ang inabot ni eric mula sa kanyang
ama….. natural lng iyon… sino ba naman ang hindi magagalit sa pag amin na
ginawa ni eric…..
“tay…. Ganito ako… tanggapin nyo sana kung ano ako….”
Pahagulgol na sabi ni eric…
muli ay isang malakas na suntok ang inabot nya matapos
bitiwan ang salitang iyon…. Walang magawa ang ina ni eric kundi ang imiyak sa
isang tabi…. Sa isang sulok at panoorin ang kahabag habag na katayuan ng
kanyang anak….
Lumabas ang ama ni eric…. Galit na galit…. Kulang na nga
lang ay atakihin na sa puso… natural lng iyon…. Panganay kasi sa apat na
magkakapatid si eric eh…. Nag iisang lalaki pa man din…. Ang tanging lalaki na
magpapatuloy sa lahi ng mga ORTIZ…. Masakit isipin para sa isang Ama ang
ganuon….
“anak… nauunawaan kita… patawarin mo sana ang iyong ama…. “
“opo inay… naiintindihan ko siya… lilipas din ang galit nun
sa akin…”
“sana nga anak…. Sana nga…”
mahigpit na nag akap ang mag-ina… isang damdamin ng
pagtanggap… isang damdamin ng pagsuporta….
“anak… wag mo na lng munang sabihin sa tatay mo ang relasyon
mo kay greg… natatakot ako sa magiging reaksyon niya… “
“nay… aalis na ako ng bahay…. Sasama ako kay greg sa
Romblon… duon muna kami… hanggang sa humupa ang galit ni Ama…”
masakit man ang naging desisyon ni eric na iwan ang kanyang
ina…. Nagpakatatag siya sa kanyang napiling landas… umaasa na may magandang
kahihinatnan ang napiling desisyon… umaasa sa katuparan ng kanyang mga
pangarap… ang mamuhay ng masaya sa piling ng kanyang mahal na lalaki… si greg…
ganuon nga ang nangyari…. Palihim na umalis si greg at
iniwan ang kanyang buhay sa lungsod upang tahakin ang landas na napili…. Na
ngako naman ang kanyang ina na siya na daw ang bahalang mag paliwanag sa
kanyang Ama….
“eric… mahal na mahal kita … “ sabay halik sa noo ni eric…
“mahal din kita greg… at wala akong pagsisi sa mga naging
desisyon ko…”
unti unti namang natutupad ang mga pangarap ni eric…
matinong tao si greg… mapagmahal… ma asikaso… at ang lahat ng iyon ay
sinusuklian naman ni eric ng mas higit pa na pagmamahal… pagmamahal na pinag
iiabyo bawat araw… puno ng tamis at tiwala…
pero may kulang….
Araw araw pagkagising nila sa umaga… tanging dalangin nila
sa diyos ay ang mabiyayaan sila ng anak… isang anak na mamahalin… aarugain….
Pareho nilang alam na imposible…. Pero pareho rin silang nananalig…. Naniniwala
na nandiyan ang diyos at nakikinig….
Marahil ay totoo nga…. Marahil ay meron ngang diyos….
Isang gabing papa uwi ang magasawa ay may narinig silang
iyak ng isang bata…. Sinundan nila ang pinanggagalinganng iyak…
Isa sanggol… nakita nila iyon sa ilalim ng punong acacia…
isang sanggol na sabik na sabik nilang binuhat …
“greg… may sulat ohh…”
“mahalin nyo sana ang anak ko na para tunay na ninyong anak…
pakiusap… “
“eric… narinig ng diyos ang dalangin natin… narinig niya
tayo…!!!” mga salitang punong puno ng pagkasabik…. Sa wakas… ang katuparan ng
mga pangarap ni eric…. Buo na rin sa wakas…
ilang taon na rin ang lumipas…. Punong puno ng pagmamahal
ang bahay… mga tawa at paglalambingan… may hirap …oo…. Pero magkatuwang nilang
nilampasan lahat ng iyon….
“putok sa buho!!!! Kawawa k naman… walang ina…
hahahhaa!!!!!”
“oo nga… hahaha…. Putok!!! Putok!!!… baka naman ampon
niyan…!!! Hahaha… tapos pareho pang lalaki ang mga magulang… hahaha… kawawa k
naman..”
limang taon na si Mhon… naging malupit sa kanya ang mga tao…
walng araw na lumipas na hindi sya nakakantiyawan ng mga kamag aral…. Pati ata
mga tsismosa sa tindahan ni aling bebang eh hindi siya pinapalampas… ng walang
pang aasar na ginagawa…
masama….
Masamang masama ang loob ni Mhon… pero nd na lng niya iyon
pinakita sa kanyang mga magulang… kinimkim niya lahat ng mga pangangantiyaw sa
kanya…
At ngayon….. kinse anyos na siya… marami ng alam sa buhay…
marami ng alam sa mundong ginagalawan… inom… alak… sigarilyo… lahat ng ito ay
natikman na ni Mhon…
Galit siya… galit na galit… nd niya alam kung kanino pero
ang alam niya galit sa kanyang mga magulang….
“putang inang buhay to ohh… hik…hik… ni hindo man lang alam
kung sino ang tunay kong magulang… tapos… mga bakla pa ang mga kasakasama ko sa
bahay…hik..”
“pare…hik..hik… naiintindihan kita… kaya nga ako…hik..hik…
galit ako sa pautang inang mag bakla na iyan eh…hik….wala silang mga gawang
mabuti sa mundo...”
“sabi ko naman sa iyo eh… hik..hik… lumayas ka na sa bahy
mo… pabayaan mo na ang mga baklang iyon..hik..hik.. kaya mo na naman magisa eh…
hik…”
lasing na umuwi ng bahay si Mhon ng gabing iyon…
“putang ino nyo… greg…. Eric….hik..hik… Mga immoral
kayo…hik..hik… bakit nyo pa ako pinulot… saan nyo ba ako nakita… hik..hikk…
galit ako sa inyo..”
“anak tama na…. Lasing ka… magpahinga ka muna…” malumanay na
sabi ni greg…
“anak… bukas na lng natin pagusapan ito…” awa sa anak ang
nraramdaman ni eric… pagsisisi…. Galit sa sarili…
“ikaw greg… hik.. wag mo akong tinatawag na anak… hik… nd
kita ama… ikaw din eric… mga hayup.. mga lalaki kayo…hik..hik.. nd nagkaka anak
ang lalaki sa lalaki…hik..hik..”
parang sinaksak ng kung anong matalim bagay ang puso ng
dalawa… para silang mga pipi na nanonood at nakikinig sa bawat salita ng
kanilang anak… anak na minahal at inaruga…. Ang anak na nagbigay katuparan ng
kanilang mga dasal… ng kanilang mga pangarap… sa loob ng labin limang taon….
Nakatulog na rin si Mhon…. Marahil ay sa sobrang kalasingan…
marahil sa sobrang galit at matinding emosyon na ngayon lng niya inilabas… mga
emosyon na kinimkim niya mula pa ng siyay limang taon p lamang…..
Walang tigil ang pag agos ng luha ni eric…. Umuungol na
parang isang bata na nagpapanggap na matatag…
“natural lng iyon… natural lng na magalit sa atin ang ating
anak… lilipas din ang galit niya…”
nag akap ang dalawa… na para bang malalampasan nila ito ng
magkasama… palagi naman eh…
“greg… pangako mo sa akin na hindi natin pababayaan si Mhon…
anak natin sya… bigay siya sa atin ng diyos… “
“oo…eric… pangako…”
--- - - - - - -
“mhon … umaga na… bumangon k na jan at nang makakain na
tayo…”
“ahh… sakit na ulo ko…”
“anak… inumin mo muna itong kape habang maiinit pa…” mga
salitang puno pa rin ng pagmamahal sa kabila ng lahat….
Walang imik si Mhon…. Nag iisip… kinabig niya ang kape na
inaalok sa kanya ni greg… tumayo at kinuha ang bag… dala-dala ang mga damit at
mabilis na umalis… ayaw niyang makita ang kanyang mga kinagisnan na magulang….
“anak… saan k pupunta… bumalik ka dito….” Sigaw ni eric…
sigw na may pangamba…. Pangamba na baka nd na niya muli pang makita si Mhon….
“hindi niyo ako anak!!!…. putang ina..!!!!”
sinubukan siyang habulin ni greg… subalit sadyang iba ang
bilis ng kabataan…
nd na niya ito naabutan pa….
“aling bebang…. May kilala p ba kayo na tiga maynila na
maari kung tuluyan…”
“hah… a… e… meron… ito ang address… hanapin mo si Mario
Ortiz….”
“salamat ho…” sabay karipas ng takbo… papunta sa lugar na nd
niya alam…. Sa taong nagngangalang mario ortiz…
“tok tok tok…. Tao po…. Mang mario…”
“sino ka… anong kailangan mo…” pasigaw na tanong ni Mario….
“haa… a ..e … ako po so Mhon…. Mhon Ortiz… galing po ako ng
Romblon… dito raw po ako mag punta sabi ni aling bebang…”
“bebang na kamo…” sabat ng isang matandang babae sa
likuran…. Uugod-ugod siyang lumapit sa akin at sinabing…”halika tumuloy ka….”
“Anna… sino ba iyan…??”
binulungan siya ng matandang babae na para bang takot na
takot na baka marinig ng binatilyong si Mhon…
“ganun ba..??.. sige iho pasok ka…”
litong lito si Mhon sa nangyayari… parng kanina lang galit
na galit sa kanya ang matandang si Mario… pero ngayon… iho pa ang tawag sa
kanya… anu ba ito… bakit naman kc dito pa ako pinapunta ni aling bebang…
“ahh… iho anu ba ang pangalan ng tatay mo….??” Tanong sa akin
ni Mario
“ha.. a ..e… wala po akong Ama…”
“iho… wag kang matakot… mahal ka nila… sa kabila ng katayuan
nila… sa kabila ng natuklasan mo… mahal na mahal ka nila…”
“ho..??!!” anu ba meron dito… kung magsalita itong dalawa na
ito eh.. para bang kilalang kilala nila ako…
“kami ang mga magulang ni eric… eric Ortiz… ang iyong
kinagisnang Ama…”
tatayo sana si mhon at aalis na… pero may salitang pumigil
sa akin… mga salitang hinila ang pusot isip niya pabalik….
“tatakbo ka na lng ba? Iiwasan mo n lng ba ang lahat ng
problema na darating sa iyo… walng-wala ka pala sa anak kong si eric…?”
napaihinto ako… para akong na pako sa pagkakatayo ko…
mabilis ang tibok ng puso ko… para bang hinihintay ang susunod pang mga
sasbihin ng dalawang matanda na ito…
“alam mo ba na ikaw…. Ikaw ang kabuuan ng mga pangarap ng
magulang mo…”
parang gustong umiyak ni Mhon sa binanggit sa kanya ng
kanyang Lolo… pero pilit niyang pinigil amg pagpatak ng luha … nanatili lang
siyang nakatayo… nd niya alam kung ano ang pumupigil sa kanya… nakatayo lng …
nakikinig..
kinuwento lahat sa kanya ni Mario ang istorya ng kanyang mga
magulang… kung pano nila ipinaglaban ang kanilang nararamdaman sa isat’isa…. Sa
kabila ng lahat ng pag pipigil ng kanilang sosyalidad…. Pati na rin ang
realidad na homosexual sila….
Hanggang sa dumating sa punto na pagbuhatan si eric ng kamay
ng kanyang lolo… at mapilitang lisanin ang kanyang mga tunay na magulang….
Hindi rin pala naging madali para sa kanila ng kupkupin si
Mhon…. Maraming pala silang hirap na napagdaanan…. Isa na dun ang simbahan….
Simbahan na dapat sana ay siyang una nilang lalapitan… mga malalamig na
pagtanggap sa kanila ng mga tao…. Gaya ni Mhon… nung bata pa siya… puno rin ng
panlalait….
Pero lahat ng iyon…. Tiniis nila … hindi para sa kanila….
Kundi para kay Mhon… kay Mhon…
“Ang sama ko…. “ tanging salitang lumabas sa bibig ni Mhon…
puno ng pagsisi
“Ang sama –sama ko…. Bakit ko sila nagawang itakwil…. “
Parng muli ay binuksan ng mga katotohanang iyon ang damdamin
ni Mhon para sa kanyang mga magulang….
“aalis na ko…. Babalikan ko sila…. “
“sila ang mga magulang ko… sila lamang..”
ganuon nga ang nangyari… bumalik si Mhon sa Romblon… umuwi
at niyakap niya sila greg at eric… mga yakap na punong puno ng pagmamahal… ang
sarap… kay sarap….
“tatay eric… tatay greg… mahal na mahal ko kayo…”
“kami din anak…. Kung alam mo lng mo lang sana kung gaano ka
namin kamahal….”
Napangiti si Mhon…”alam ko tatay…. Alam ko…”
Kay bilis ng panahon…. Mga taon n puno ng saya…. Ikakasal na
si Mhon kay Marina… ang babaeng pinakamamahal niya….
Nagkapatawaran na rin ang mag amang si eric at Mario… muli
ay nagbalik na ang lahat sa dati….
At ngyon… may anak na sila Mhon at Marina …. May apo na sina
greg at eric…. Parng kay bilis… parang kailan lang eh… naglayas pa si eric sa
bahay… pero ngayon…. Natupad na lahat…. Lahat lahat ng mga pangarap niya….
Sabay sa paglipas ng panahon…. Ang pagtanda nila eric at
geg… kinuha na si greg…. Pero alam nila na masaya siya sa lugar niya ngyon….
ano kaya ang meron sa pagitan ni greg at eric… dahil
makalipas ang ilang araw ay sumunod na rin si eric kay greg…. Marahil ay
pag-ibig….. nakakalungkot… pero masaya…. Alam ni Mhon na darating din un sa
buhay niya….
“Lolo..!?!?… totoo ba yan????”
“gawa-gawa mo lang ata iyan eh…..”
“RAMHON!!!!… anu ba!!! Kanina ko pa kayo tinatawag eh….
Kakain na tayo…!!!”
“junjun… halika na….tawag na tayo at nagagalit na ang Lola
Marina mo…”
--Wakas
Powered by Blogger.
0 comments: